4 pulis sa Boracay, pinarusahan dahil sa ‘Mobile Legends’ at ‘Youtube’

Contributed Photo

Naparusahan ang apat na pulis-Malay matapos maaktuhang gumagamit ng cellphone habang naka-duty, Linggo ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-6), sapilitang pinag-ehersisyo sa harapan ng Kampo Delgado ang mga nahuling kawani na naka-destino sa Boracay.

Aniya, nakita mismo Police Col. Remus Zacharias Canieso, Deputy Regional Director for Administration, na wala sila sa kani-kanilang poste sa oras ng trabaho.


Naglalaro umano ng “Mobile Legends” at nanonood ng Youtube ang mga hindi pinangalanan pulis.

Matatandaang binanggit ni PRO-6 Director PBGEN Rene Pamuspusan na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mobile phone tuwing nasa duty ang kinauukulan.

Pahayag ng opisyal, iniiwasan nilang mawala sa pokus ang mga pulis lalo na kung may kailangan respondehan agad.

Facebook Comments