Patuloy na nakapagtatala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang apat na rehiyon sa bansa sa loob lamang ng dalawang linggo.
Kabilang dito ang Region 4A o CALABARZON, Region 3 o Central Luzon, Region 7 o Central Visayas at NCR
Paliwanag ni Department of Health Sec. Francisco Duque III, maituturing na nasa critical risk classification ang Pasay City at Malabon City habang ang mga lungsod naman ng Navotas, Makati at San Juan ay nasa high risk level.
Nasa 47% ang health care utilization rate ng mga ospital sa Region 7 at 48 percent naman sa Cordillera Administrative Region.
Mataas din ang utilization rate ng Makati City at Davao Occidental habang nasa moderate risk areas naman ang Lapu-Lapu City, Ormoc City, Nueva Vizcaya, Santiago City, Ifugao, Mandaue City, Mandaluyong City at Cebu Province.