Bahagyang bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong ikinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap noong huling quarter ng 2021.
Batay sa SWS survey na isinagawa mula December 2 to 16, 2021, 43% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay “mahirap”; 39% ang “borderline poor” at 19% ang “hindi mahirap.”
Mas mababa ito sa 45% “poor”, 34% “borderline poor” at 21% “not poor” na naitala noong September 2021.
Sa pagtaya ng SWS, 10.7 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing ang mga sarili nilang mahirap noong December 2021 kumpara sa 11.4 milyon noong September 2021.
Bumaba ang self-rated poverty rate sa Mindanao at Metro Manila habang tumaas naman sa Visayas at Balance Luzon.
Facebook Comments