P2,000 kailangang ayuda para makabawi mula sa epekto ng pagbagsak ng halaga ng piso – IBON Foundation

Welcome sa IBON Foundation ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ang P200 ayuda ng pamahalaan sa mahihirap na pamilyang apektado ng pagtaas ng mga bilihin bunsod ng serye ng oil price hike.

Pero para kay Executive Director Sonny Africa, kahit na gawing P500 ang buwanang ayuda ay tanging ang taas-presyo sa mga bilihin noong nakaraang taon ang mababawi nito.

Kung nais ng pangulo na bawiin ang pagbagsak ng halaga ng piso mula nang mag-umpisa ang kanyang termino ay P2,000 ang dapat niyang ibigay sa kada pamilya.


Aniya, maaari namang bawasan muna ng gobyerno ang gastos sa mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” na hindi pa prayoridad para magkaroon ng mas malaking pondo pantulong sa mahihirap.

Facebook Comments