4 sugatan sa banggaan ng 2 bus

4 ang sugatan sa aksidente sa bahagi ng EDSA Buendia MRT northbound pasado alas 9 ng umaga.

Ayon kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, sangkot sa aksidente ang dalawang bus ito ay matapos mabangga ng Jasper bus ang likurang bahagi ng Safeway bus.

Agad namang dinala ang 4 na sugatan sa pinakamalapit na ospital.


Sa ngayon ang tukod ng traffic ay nasa Malibay, Pasay kaya payo ng MMDA humanap muna ng alternatibong ruta.

Facebook Comments