Mga pulis, pahihintulutan nang magsuot ng patrol shirt

Pinapayagan na ang mga pulis na magsuot ng patrol shirt bilang pangontra sa sobrang init ng panahon.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, pag-apruba na lamang ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang hinihintay.

Ani Fajardo, inaasahang sa linggong ito ay tuluyan nang maaprubahan ang paggamit ng mga pulis ng patrol uniform tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.


Kasunod nito, pinaalalahanan ng PNP Health Service (HS) ang mga pulis na nagpapatrolya na siguraduhing laging hydrated at huwag magbilad sa init ng araw.

Mayroon din aniyang mga tauhan ng HS para kumustahin ang kondisyon ng mga pulis sa lansangan.

Facebook Comments