TANAUAN CITY, Batangas – Nagtamo ng sugat ang apat na sundalong sakay ng isang military truck nang mahulog sa bangin habang nasa biyahe papuntang Laurel.
Base sa report, Miyerkules ng umaga nang magpuntang Batangas ang grupo para maghatid ng relief goods sa mga biktima ng Taal eruption nang mangyari ang insidente.
Ayon kay Brgy. Gen. Marceliano Teolifo, commander ng Task Force Group Taal, nawalan ng kontrol ang truck nang subukan nitong iwasan ang isang tricyle na nakaharang.
Nang hindi na umano makontrol ng driver ay nahulog sa bangin ang naturang sasakyan.
Samantala, sinasabing isa lamang ang truck sa anim na sasakyang maghahatid ng relief goods sa Laurel para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.