General santos City—dead on arrival sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang isang 4 na taong gulang na batang lalaki matapos itong nadulas sa paliguan ng kanilang bahay sa Prk. Sto.Niño, Barangay Pag-asa Alabel, Sarangani Province.
Kinilala ang biktima na si Cedric Bagayan, residenti ng nasabing lugar. ala 1:00 ng hapon nang naligo ang kanyang ina at ang biktima sa kanilang paliguan. Bigla itong nadulas at tumama ang ulo nito sa semento.
Tumayo din ang bata na parang walang nangyari kaya akala ng kanyang ina ay walang damage ang katawan ng bata dahil wala naman itong inindang sakit.
Mga hating gabi nang nag reklamo na ang biktima ng sakit sa kanyang ulo at bigla itong nagsusuka. Alas 4:00 ng madaling araw kahapon ng dalhin ito sa Dr. Jorge Royeca Hospital ito sa Gensan pero hindi na ito umabot ng buhay.
Sinabi ni Gerald Bagayan, ama ng bata na wala ito sa kanilang bahay nang nangyari ang insidenti, dahil namasada ito ng kanilang tricycle.sinabihan lang sya ng kanyang asawa sa nangyari sa kanilang anak.
Dahil gabi na itong dumating sa kanilang bahay, hindi na nila ito nadala ng Barangay center, kinaumagahan kanilang napansin na hindi na makakalikos ang bata kaya nila ito dinala ng hospital pero huli na ang lahat.