Inirekomenda ng Department of Agrarian Reform (DAR) kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., na palawigin ng apat na taon ang Support Parcelization of Lands for Individual Titling o Project Split.
Sa 16th NEDA Board Meeting sa Malacañang, inilatag ni DAR Sec. Conrado Estrella ang 4-year extension ng project split mula January 2024 hanggang December 2027.
Sa ilalim nito ay hahatiin ang nasa 1.38 million na ektarya ng lupa at magkakaroon ng sari-sariling titulo ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Tiniyak naman ni Estrella na hindi magkakaroon ng dagdag na gastos ang naturang extension.
Samantala, inirekomenda rin ng DAR ang 36-month extension ng loan validity para sa mga lupa.
Facebook Comments