40 foreign terrorist, hinahanting na ng pamahalaan

Manila, Philippines – Tinutugis na ng Pamahalaan ang sinasabing 40 Foreign terrorist pumasok na sa Pilipinas.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Armed forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Ano na may nakapasok na ngang banyagang terorista at karamihan sa mga ito ay Indonesians, Malaysiyans, Arabs at Pakistani.

Ayon kay Martial Law Spokesman for Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines Brigadier General Gilbert Gapay, alam na nila ang mga pangalan ng mga ito at pinaghahanap na ang mga ito ng Pamahalaan.


Malaki aniya ang posibilidad na hindi dumaan ang mga ito sa Airports at Seaports ng bansa at posibleng sa backdoor dumaan.

Pero kailangan parin naman aniyang higpitan pa ang pagbabantay sa mga paliparan at pantalan upang matiyak na hindi malulusutan.
Binigyang diin ni Gapay na malaking tulong ang Trilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia para sa paglaban sa terorismo sa rehiyon.

Facebook Comments