40-K home care kit, ipapamahagai ng DOH sa Metro Manila

Tinatayang 40,000 home care kit ang ipapamahagi ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila para sa mga naka-home isolation at nakararanas ng mild symptoms ng COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga home care kits ay ipapamahagi sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila para matulungan ang mga indibidwal at komunidad na higit na nangangailangan nito.

Aniya, ang mga home care kit ay donasyon ng Pitmaster Foundation Incorporation, isang national charitable organization.


Ang bawat kit ay naglalaman ng digital thermometer, alcohol, oral antiseptic, face mask, vitamins, medicines, at quick relief syrup packets para sa may mga sore throat.

Kasabay nito, nagpasalamat naman si Duque sa Pitmaster Foundation para sa nasabing donasyon gayundin sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kanilang patuloy na suporta sa COVID-19 response ng kagawaran.

Facebook Comments