Kelley Day, itinangging sangkot sa umano’y hiwalayan ng isang celebrity couple

Nilinaw ng actress-beauty queen na si Kelley Day na hindi siya sangkot sa umano’y hiwalayang nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang isang blind item story na itinuturo siyang dahilan ng hiwalayan ng naturang mag-asawa.

Sa Instagram story ni Kelley, ipinost nito na nagulat siya na inuugnay ang kaniyang pangalan sa kontrobersiya at nanindigang walang katotohanan ito.


Nilinaw rin ng aktres na hindi totoo na buntis siya.

Aniya, galing siya kamakailan sa United Kingdom dahil sa may kaanak siyang namatay at namalagi roon kasama ang kaniyang pamilya.

Sa huli, sinabi ni Kelley na huwag magpapaniwala sa mga kumakalat na fake news sa online.

Matatandaan, naging magkatrabaho sina Kelly at Tom sa isang TV series.

Facebook Comments