40 kabahayan – natupok ng apoy sa Sta. Mesa, Maynila

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 80 na pamilya ang nawalan ng bahay matapos tupukin ng apoy ang 40 na kabahayan sa Roque St., Barangay 598 zone 59 Sta. Clara, Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay Fire senior inspector Redentor Alumno, bfp-manila, nagsimula ang sunog 4:01 dahil dikit dikit at gawa sa light material ang ilan sa mga kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy na umakyat sa ika limang alarma. Idineklara na itong fire out.

Nagmula ang apoy sa 2nd floor ng dalawang palapag na gusali na pag aari ng 79 anyos na si Remedios Angeles.


Tumulong sa pag apula ang mga bumberk ng navotas ag san juan.

Naging pahirapan ang pag apula sa apoy dahil maliliit na fire trucks lamang ang nakakapasok sa makitid na kalsada na pinasikip pa ng mga residente na kaniya kaniyang salba ng mga gamit.

Facebook Comments