Cauayan City, Isabela-Muling nakapagtala ng 40 karagdagang kaso ng Delta variant ang Cagayan Valley region, ayon sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) region 2.
Ayon sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU),nakapagtala ng limang kaso ang lalawigan ng Cagayan kung saan dalawa (2) ang naitala sa bayan ng Peñablanca at tatlo (3) naman sa Tuguegarao City.
Nakapagtala rin ng labindalawang kaso ang probinsya ng Quirino na kinabibilangan ng anim (6) sa bayan ng Diffun, apat (4) sa Maddela at dalawa (2) sa Saguday samantalang sa lalawigan naman ng Nueva Vizcaya ay nakapagtala ng isa (1) ang Bambang.
May pinakamataas pa rin na naitalang kaso ng Delta variant ang lalawigan ng Isabela kung saan mayroong labintatlo (13) sa Santiago City; apat (4) sa Cabagan at may tig-isa naman sa mga bayan ng Aurora, Cordon, Jones, San Agustin, at San Mateo.
Ang lahat ng naitalang kaso ay purong local cases at fully recovered na mula sa Delta variant.