Aabot sa 40 katao ang tinamaan ng sakit chikungunya sa Pola, Oriental Mindoro.
Ayon kay Dr. Leah Pinafrancia Reyes, Municipal Health Officer ng Pola, nagsimulang maitala ang kaso ng chikungunya dalawang buwan na ang nakakaraan pero bigla itong dumami pagkalipas ng dalawang linggo.
Nasa edad 30 hanggang 50 ang mga tinamaan ng naturang sakit na nagmumula sa kagat ng lamok.
Sa ngayon, gumaling na ang iba sa mga tinamaan ng sakit kung saan karaniwang epekto ay ang sakit sa katawan, mga pantal at maging ang lagnat.
Tiniyak naman ni Reyes na kontrolado na ang sitwasyon at nagsasagawa na ng misting ang lokal na pamahalaan.
Nasa 6 na barangay ang apektado ng pagtama ng sakit.
Facebook Comments