Inihayag ni Jimmy Isidro, hepe ng public information office ng Mandaluyong City government na merong apatnapung mga lugar sa lungsod ay isinailalim sa granular lockdown.
Ayon kay Isidro, karamihan sa mga ni-lockdown ay mga palapag ng mga condominium, compound, at ilang mga kalye ng lungsod na tatagal ng 14 days.
Aniya, maraming naka-lockdown na mga condo na nasa Barangay Wack-Wack at Barangay Highway Hills.
Batay aniya sa ulat ng city heath office, maraming mga Authorized Persons Outside Residents o APORs na nakatira sa mga nasabing lugar.
Tiniyak naman ni Isidro na mamahagi ng pagkain ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa mga pamilyang apektado ng lockdown.
Sa kasalukuyan, ang Barangay Highway Hills ang may pinakamaraming COVID-19 active cases sa lahat ng Barangay sa Mandaluyong, kung saan umabot na ito ng 109 active cases.
Habang ang Barangay Wack-Wack naman ay meron tatlongpu’t isang active cases ng nasabing sakit.