40 manggagawa sa Metro Manila, nabigyan na ng raffle coupon para sa BisekleTrabaho Year 3 Promo ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho

Umabot sa 40 manggagawa ngayong araw ang may tyansang manalo sa BisekleTrabaho Year 3: anibersaryong handog ng DZXL Radyo Trabaho at 69th Founding Anniversary ng RMN.

Kabilang sa mga ito ay nagtitinda ng basahan, messenger, technician, guro, street food vendor, taho at buko vendor, food delivery biker, helper, street sweeper, construction worker, maintenance, call center agent, traffic enforcer, electrician, company driver, pintor, funeral helper, at sapatero.

Ito ay mula sa mga lungsod ng Quezon, Pasig, Marikina, Malabon, Taguig, Valenzuela, Pateros at Cainta, Rizal.


Samantala, pwede ring sumali at mag-comment sa RMN DZXL 558 MANILA Facebook page kung bakit ikaw ang dapat manalo sa BisekleTrabaho promo.

May pagkakataon ding manalo ang masugid nating listeners kung saan pwedeng tumawag sa numerong 8882-2374 sa programang Usapang Trabaho mula alas-11:00-12:00nn at sa Centro Serbisyo sa Hapon tuwing alas-2:30pm-4:00pm.

Sa Biyernes, August 27 nakatakdang idraw ang BisekleTrabaho Year 3 promo sa Usapang Trabaho program.

Facebook Comments