Israel, muling nagpakawala ng airstrikes patungo sa Gaza

Muling nagpakawala ang Israel military ng airstrikes patungo sa Gaza.

Ito ay matapos bombahin ng Palestine ang timog na bahagi ng Israel nitong Martes ng umaga.

Wala namang naiulat na nasawi mula sa airstrikes kung saan pangunahing target nila ang weapons production facility at rocket launch sites ng Hamas.


Matatandaan na noong Mayo ay nagdeklara ng ceasefire ang Israel at Hamas matapos maitala ang pinakamalalang karahasan mula noong 2014 kung saan umabot sa higit 250 na indibidwal ang nasawi.

Facebook Comments