40 mula sa 44 COVID-19 UK variant cases sa bansa, gumaling na

43

Tatlo na lamang sa 44 na kaso ng COVID-19 UK variant ang nananatiling aktibo sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, 40 sa mga ito ang nakarekober na mula sa virus habang isa naman ang nasawi.


Aniya, kabilang sa mga active UK cases na kasalukuyang naka-isolate ay isang returning overseas Pinoy mula United Arab Emirates, isang 20-taong gulang na babae mula Sabangan, Mountain Province at isang 37-taong gulang na lalaki mula sa Impasug-ong, Bukidnon.

Sa 44 na mga kaso, 28 rito ay locals at 15 ay returning overseas Filipinos habang ang isa ay patuloy na beniberipika ng DOH.

Giit ni De Guzman, may “minimal transmission” lang o maliit lamang ang tiyansa ng pagkahawa sa naturang variant basta kaagad na maipatutupad ang mga kaukulang protocols laban sa virus.

Facebook Comments