8 turista na nameke na naman ng RT-PCR test result, huli sa Boracay

14

Boracay – Huli ang walong turista na nameke nanaman ng RT-PRC test result para lang makapasok sa isla ng Boracay. Ayon sa Provincial Inter-Agency Task Force o IATF, unang nahuli ang apat na turista noong nakaraang Biyernes Pebrero 12, 2021, at ang apat ay nitong Pebrero 13 sa magkahiwalay na hotel sa isla. Base sa ginawang pagsusuri sa mga laboratory results nila ay galing ito sa Saint Luke’s Hospital sa Metro Manila pero peke ang mga ito. Matapos na maaresto ang walong turista ay isinailalim ito sa 14 -day facility-based quarantine sa Kalibo habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban sa kanila.

Facebook Comments