40% ng bakunang ginagamit sa bansa, Sinovac

Kinumpirma ng National Task Force (NTF) na 40% ng COVID-19 vaccine na ginagamit ngayon sa bansa ay Sinovac.

Ito ang kinumpirma ni NTC Sec. Carlito Galvez kasabay ng pagkakakumpleto sa mahigit 54-million doses ng Sinovac na delivery ng China.

Ang naturang mga bakuna ay binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Asian Development Bank.


Hindi namang binanggit ni Galvez kung magkakaroon ng panibagong kontrata ang Pilipinas at China hinggil sa panibagong pagbili ng Sinovac vaccines.

Facebook Comments