Nakapagparehistro na ang 40% na target na mga batang 5 hanggang 11 taong gulang sa bayan ng Pateros.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Pateros Mayor Miguel Ponce na matagal na kasi nilang binuksan ang registration para sa ganitong age group bilang bahagi ng kanilang paghahanda kapag umarangkada na ang bakunahan.
Ayon kay Ponce, 6,000 mga bata sa ganitong age group ang target nilang mabakunahan.
Kumpiyansa naman ang alkalde na tulad ng karanasan nila sa pagbabakuna sa mga batang nasa 12 taong gulang hanggang 17 taong gulang, gaganda rin ang numero ng mga magpapabakuna na nasa 5 hanggang 11 taong gulang.
Sa una ay nakikiramdam pa ang mga magulang at mga bata, subalit kalaunan ay naiengganyo na silang magpaturok ng bakuna at mawawala na ang vaccine hesitancy.