Simbahan ng Quaipo, binuksan na muli sa publiko

Bagama’t muling binuksan sa publiko, kakaunti lamang ang nagtungo sa Simbahan ng Quiapo ngayong araw ng Biyernes.

Nasa 30% pa rin ang pinapayagan na makapasok sa loob habang 50% naman sa labas.

Tulad ng dati, kailangan pa rin mag-fill up ng health declaration form at dalhin ang mga vaccination cards.


Hindi pa rin pinapayagan ang mga bata na magsimba sa Quiapo Church kung saan mahigpit pa rin ipinapatupad ang health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Patuloy rin ang paalala ng mga Hijos del Nazareno na kung maaari ay via online na lamang makinig o manood ng misa upang hindi na makipagsiksikan pa sa pagtungo sa simbahan ng Quiapo.

Facebook Comments