40 pang mga bansa, nagluwag na sa travel restrictions

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 40 pang mga bansa ang nag-relax ng kanilang inbound travel restrictions sa pagpasok ng foreign travelers.

Ito ay bagama’t subject sa mahigpit na medical restrictions at iba pang protocols.

Kabilang sa nagluwag ng kanilang travel restrictions ang Dominican Republic, Ecuador, Jamaica, Pakistan, Papua New Guinea, French Polynesia, New Macedonia, Tanzania, Zambia, Kenya at Sudan.


Sa kabilang dako, 55 naman na mga bansa ang hindi pa rin nagpapapasok sa kanilang mga teritoryo.

Ang China, Taiwan, Vietnam, the Marshall Islands, Sri Lanka, at Guyana ay pumapayag naman sa pagpasok sa kanilang mga bansa na mga Filipino na dual citizens o returning residents, OFWs na may work visas at kontrata, diplomatic o UN passport holders, at government officials na may official travels.

Bukod dito, 146 na mga bansa ang pumayag na makabalik ng Pilipinas ang mga Pinoy na stranded sa kanilang bansa.

Ito ay depende sa flight availability at iba pang special arrangements.

Pinapayuhan naman ng DFA ang mga Pinoy na makipag-ugnayan muna sa airline companies at sa mga embahada o konsulada bago ang kanilang departure.

Facebook Comments