40 PARES NG IKAKASAL SA MAPANDAN, NAGTANIM NG MGA PUNO NG PANDAN BAGO ANG KASALANG BAYAN 2026

Kasabay ng kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib ay ang pangako ng pagsibol ng bawat punong magsisilbing patunay ng kanilang matatag na pagmamahalan.

‘Yan ang naging tagpo sa Pandan Planting Activity sa bayan ng Mapandan, kung saan ang 40 pares ng mga nakatakdang ikasal sa Kasalang Bayan ngayong February 13, 2026 ay nakiisa rin sa naturang tree planting activity.

Bago ang kanilang “I do” ay kalakip din ang pagpapakita hindi lamang ng pagmamahal sa isa’t isa kundi maging sa kanilang bayan.

Naganap nitong Biyernes, February 06, 2026 sa Municipal Material Recovery Facility sa barangay Primicias, kasama ng mga magsing-irog ang mga kinatawan ng iba’t ibang departamento ng LGU Mapandan, kabilang ang opisina ng alkalde.

Ang Pandan Planting activity ay hindi lamang sumasalamin sa pagkakaisa nila bilang mag-asawa, kundi repleksiyon din ng pakikiisa sa hangarin ng komunidad na mapanatili ang pagkakakilanlan ng bayan ng Mapandan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments