LINGAYEN, PANGASINAN – Aabot na sa 40 pulis sa Pangasinan ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa Pangasinan Police Provincial office.
Sa isang pulong balitaan sinabi ni PANGPPO Director Police Colonel Richmond Tadina, naka-isolate na ang mga ito kung saan karamihan sa mga nagpositibo ay asymptomatic.
Umikot na rin aniya ang PANGPPO Medical and Dental Unit upang i-monitor ang kalagayan ng mga pulis.
Inatasan din ni Tadina ang mga COP ng bawat police station na makipag-ugnayan sa mga RHU upang mabigyan ang kanilang personnel ng mga bitamina upang mapalakas ang kanilang resistensya.
Dahil sa pagkakatala ng apatnapung kaso ng COVID-19 hinikayat ng opisyal ang mga pulis na hindi pa nakakatanggap ng kanilang booster dose na magpaturok na upang mapataas ang kanilang immunity. | ifmnews
Bukas din ang pagbabakuna sa mga pamilya ng pulis dahil vulnerable aniya ang mga ito. Kailangan lamang makipag-ugnayan sa kanilang Medical and dental unit upang mabigyan.
Dagdag nito, huwag balewalain ang booster dose dahil isa ito sa mga tinatawag na ‘necessity’ ngayong dumarami ang variants ng sakit. | ifmnews