SURPRISE DRUG TEST ISINAGAWA SA MGA EMPLEYADO NG ASINGAN

71

ASINGAN, PANGASINAN – Nagsagawa muli ng taunang surprise drug test ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa hanay ng mga kapulisan, BFP, at empleyado ng LGU Asingan.

Negatibo sa iligal na droga ang nasa pitumpu’t walong kawani ng lokal na pamahalaan ng Asingan base sa inisyal na report ng Municipal Health Unit matapos ang isinagawang sorpresang mandatory drug test nitong umaga

Target ng isinasagawang mandatory drug test ang nasa lagpas tatlong daang empleyado ng munisipyo.

Samantala, hinihintay na lamang ng lokal na pamahalaan ng Asingan na mapasama ito sa mga idineklarang drug cleared municipality ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos mahuli noong nakaraang taon ang high-value target na nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte. | ifmnews 

Facebook Comments