400 hanggang 600 na mga makina, pumalya ngayong araw ng halalan

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez na 400 hanggang 600 na mga makina ang pumalya ngayong halalan.

Ito aniya ay mula sa kabuuang 85,000 na makina.

Ayon kay Jimenez, may sampung libong mga makina naman ang naka-standby para sa replacement.


Kinumpirma rin ni Jimenez na may ilang mga presinto ang naantala ang pagbukas dahil sa pag-malfunction ng SD cards.

Aniya, problema sa SD cards ang naging dahilan ng delay dahil kinailangan pa itong palitan matapos na mag-malfunction.

Sa kabila nito, wala namang balak ang Comelec na magdeklara ng failure of election sa naturang mga lugar at wala ring balak ang poll body na i-extend ang oras ng botohan ngayong araw.

Kaugnay naman ng overseas voting sinabi ni Jimenez na ang mga balota na ipinadaan sa mga postal mode ay nai-deliver na ng 100% ngayong araw.

Sa kaso naman ni dating Vice President Jejomar Binay, nilinaw ng Comelec na kaya pinalitan nila ang balota nito ay dahil nadumihan ito nang dumugin siya ng mga tao.

Hindi aniya binasa ng makina ang balota ng dating pangalawang pangulo dahil madumi ito.

 

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments