400 LSIs na nasa labas ng Libingan ng mga Bayani, naghihintay na mapauwi

Nasa higit 400 Locally Stranded Individuals (LSIs) na nasa labas ngayon ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang naghihintay makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Assistant Secretary Joseph Encabo, lead convenor ng Hatid Tulong program, na naghahanap sila ngayon ng temporary shelter ng mga LSIs.

Ayon kay Encabo, ngayong linggo nila malalaman kung ano ang tugon ng mga Local Government Units (LGUs) na hiningan nila ng tulong para sa pagkakaroon ng pansamantalang masisilungan ng mga LSIs.


Payo nito sa mga LSIs na hintayin ang kanilang abiso kung kailan magtutungo sa staging area upang hindi mabinbin ang kanilang pag-alis.

Facebook Comments