Pagpapakita ng QR Code sa Quarantine Checkpoint sa Lungsod ng Cauayan, Tuloy Pa rin

25

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alagad ng batas sa ‘No QR Code, No Entry’ policy sa Lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFMCauayan sa Cauayan City COVID-19 Taskforce, maaari pa rin gamitin ng mga taga Lungsod ng Cauayan ang dating QR Code subalit para sa mga manggagaling sa ibang lugar ay kinakailangan nang mag-install ng bagong staysafe.ph application at magrehistro upang maactivate at ma-update ang mga inilalagay na datos.

Paalala sa publiko na maging tapat sa paglalagay ng impormasyon dahil dito nakabatay ang mga lumalabas na datos at nakikita sa tuwing ini-scan sa checkpoint.

Pinapayuhan din ang lahat na sumunod sa nasabing polisiya upang hindi na maabala sa biyahe sakaling pahintuin sa mga itinalagang quarantine checkpoint sa Lungsod.

Facebook Comments