Nagpadala si Migrant Workers Secretary Susan Ople ng mga matataas na opisyal mula sa Department of Migrant Workers (DMW) para tingnan ang lagay ng 400 Pinoy na nasa government run shelters sa Kuwait.
Ito ay matapos niyang makita ang kondisyon ng mga nasabing distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa isinagawang virtual inspection.
Bilin niya sa delegasyon sa pangunguna ni Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Services Hans Cacdac na dalawin, at tiyaking may full-time staff na tututok sa sitwasyon ng mga OFW sa nasabing mga bahay kalinga.
Gayundin dapat aniyang tiyakin na may medical staff na tututok sa distressed Pinoys na may sakit at nakakaranas ng depresyon.
Ang naturang mga Pinoy ay nakaranas ng iba’t ibang uri ng pagmamaltrato mula sa kanilang employers.