24 na koronel at heneral, hindi pa nagsusumite ng kanilang courtesy resignation – PNP

Nasa 24 pang 3rd level officials ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang courtesy resignation.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., dalawa sa mga ito ay pawang heneral at limang koronel na magreretiro ngayong 1st quarter ng taon.

Ani Azurin, umaasa siyang magco-comply ang mga ito dahil hanggang Enero 31, 2023 pa naman ang deadline sa paghahain ng courtesy resignation.


Paliwanag ni Azurin, pangunahing sentimyento ng mga ito kaya’t hindi pa sila nagsusumite ay dahil ang pagiging opisyal ng PNP lang ang kanilang career at pinagtrabahuhan sa nakalipas na 30 taon.

Pangamba rin ng ilan na baka magkamali sa pag-e-evaluate at pag-assess ang binuong 5-man committee at imbes na sila ay malinis at madungisan pa ang kanilang pangalan.

Facebook Comments