400 punong Barangay sa Metro Manila, posibleng masuspinde dahil sa hindi pagsunod sa direktibang road clearing operations

Nasa 400 punong Barangay sa Metro Manila ang posibleng suspendihin dahil sa hindi pagsunod sa 60 araw na deadline sa paglilinis ng mga kalsada.

Ayon kay DILG Usec. Martin Diño, maraming Barangay Captains ang mapaparusahan dahil bigo ang mga ito na panatilihin ang ‘no obstruction,’ ‘no illegal parking,’ at ‘no illegal vending’ sa kalsada.

Suhestyon niya, pagkatapos ng clearing operation ay dapat nagbibigay ng certification ang mga Alkalde sa mga kapitan bilang patunay na malinis na ang barangay.


Nakalagay dapat dito na ang kapitan ang mamamahala sa maintenance.

Sakaling bumalik ang mga road obstruction, ay dapat mademanda ang mga ito.

Irerekomenda naman ng DILG kay Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng mga Alkalde na hindi tumalima.

Bibigyan nila ng show cause order ang mga hindi nakasunod sa kanilang utos at pagpapaliwanagin.

Sakaling hindi nakuntento ang DILG sa sagot ng mga ito ay ang Ombudsman na ang hahatol dito.

Facebook Comments