Malacañan, nanindigang walang transport crisis sa bansa

Nanindigan ang Malacañan na walang mass transport crisis sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakakarating pa ang mga tao sa pupuntahan nila.

Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte sitwasyon ng mga pasahero apektado ng limitadong operasyon ng LRT Line 2.


Kinakailangang pang pagbutihin ng mga mass transport system ang kanilang mga serbisyo.

Kapag hindi naresolba ang problemang kinakaharap ng LRT-2, paniguradong may problema sa pamunuan nito.

Facebook Comments