400 sako ng basura, nakuha sa Dolomite Beach

Matapos ang ilang araw na pag-ulan dahil sa bagyo at habagat, tambak na basura ang inanod sa baybayin ng Manila Bay Dolomite Beach sa Roxas Blvd., sa Maynila.

Kaya’t dahil dito, patuloy ang ginagawang paglilinis ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Estero Ranger ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bukod sa mga tauhan ng MMDA at DENR, tumutulong rin sa paglilinis ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Pasay.


Ayon sa MMDA, iba’t ibang klase ng basura ang nahahakot nila sa paglilinis lalo ng Bagyong Egay kung saan may nakuha pa silang troso at mga kawayan na galing sa ibang palaisdaan.

Kabilang pa sa mga basura na nahakot sa Dolomite Beach ay mga plastic bottles, styro, mga plastic na pinaglagyan ng shampoo, diaper at iba pa.

Umaabot sa 400 na sako ang nakolekta bukod pa sa mga sako-sakong nahakot ng Estero Ranger at iba’t ibang volunteers.

Facebook Comments