4,000 Electric jumper nakumpiska sa may 42 Brgy. sa Iloilo City

 

Sa loob lamang ng 10 araw ay umaabot na sa 4,000 illegal connection ang nasawata ng Distrbution Utility na More Power and Electric Corp(More Power) sa ilalim nang inilunsad nitong “Oplan Valeria” na nakatuon para mawakasan na ang matagal nang problema sa electric jumper sa Iloilo City.

Ayon kay Ariel Castañeda,hepe ng Apprehension Team ng More Power,ang mga nahulihang gumagamit ng jumper ay mula sa 42 barangay sa Iloilo City, aniya,inaaasahan nilang madaragdagan pa ang nasabing bilang resulta ng kanilang mas pinaigting pa na kampanya laban sa illegal connection.

Kasabay nito, nagbanta si More Power Legal Officer Atty Allana Babayen-on sa mga residente na patuloy na nakikinabang sa illegal electric connection na tumigil na dahil seryoso ang power firm na habulin ito at papanagutin sa batas kung saan maaaring maharap sa pagkakulong ng hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa.


Nasa 6 katao na ang kinasuhan ng More Power ng paglabag sa Anti Pilferage Law, ang mga ito ay napatunayang nasa likod ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng jumper.

Sa 2019 technical study na ginawa ng Miescor Engineering Services Corp ay natukoy nito na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo, ito ang syang tinuturong dahilan ng pagtaas ng systems loss na umabot sa 9.3% sa ilalim ng dating power firm na Panay Electric Company(PECO) gayundin ang overloading sa linya ng kuryente kaya nakakaranas ng biglaang mga brownout.

Pinayuhan ng More Power ang mga nahulihan ng jumper na huwag nang bumalik sa pagnanakaw ng kuryente at sa halip ay magapply na ng kanilang sariling legal na kuntador ng kuryente.

“We’ve shortened the process even more. Pag-submit nila ng mga papeles from the City Engineer’s Office like the Electrical Safety Inspection Certificate and pay their bill deposit kahit partial lang na P1,000, we will install an electric meter right away, no fuss,” pahayag ni Castaneda kung saan nasa 1,500 residente na nahulihan ng jumper ang agad na nagpakabit ng kanilang linya ng kuryente.

Samantala tinuring ni Brgy. East Baluarte, Molo Barangay Chairman John Gary Patnubay na isang “blessing” ang pagpasok ng More Power sa Iloilo City dahil natigil na ang mga insidente ng sunog dulot ng faulty electrical wiring dala ng talamak na paggamit ng jumper.

Tinuran ni Patnubay ang mabilis, mas magaan at murang aplikasyon sa pagpapakabit ng electric connection bukod pa dito ang abot kaya nang singil sa kuryente na ipinatutupad ng More Power na syang nagudyok sa mga consumers na talikuran na ang panganib na paggamit ng jumper.

“In my barangay alone, more than 80 of the 130 applications for electrification are now legally connected with the power company, 50 of which were done in 1 single day on Saturday. It was fast, amazingly fast.Let’s give it to MORE Power and its iKONEK Program that it launched in partnership with the city government of Iloilo to encourage city residents in securing their own regular power accounts,”paliwanag pa ni Patnubay.
.
Nang ang PECO pa ang nangangasiwa sa power service sa Iloilo City ay isa ang lalawigan sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa bansa at ang tinuturong dahilan ay ang mataas na systems loss o ang nananakaw na kuryente na ipinapasa sa consumers gayundin ang mga lumang pasilidad na nagpapahina sa distribition efficiency.

Nangako naman ang bagong distriburion utility na More Power na pabababain nila ang electricity rate sa lalawigan sa pamamagitan na rin ng ginagawa nilang magmodernisa sa transmission system at network at pagresolba sa jumper na target nilang matapos sa loob ng 3 taon.

Sinabi naman ni MORE Power president Roel Castro na ang kooperasyon ngayon ng mga barangay sa pagtukoy sa mga illegal connection ang naging malaking tulong, kasabay nito ay hinikayat ni Castro ang iba pang sektor na makipagtulungan para maresolba ang talamak
power pilferage sa lalawigan at makamit ang mas maayos at maasahan na distribution system.

Facebook Comments