Tinatayang nasa 30-porsyento ng Filipino nurses na na-displace mula sa kanilang trabaho abroad bunga ng COVID-19 pandemic ang gustong magtrabaho pansamantala sa Pilipinas.
Ayon kay dating Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Marianito Roque, aabot na sa 4,000 Pinoy nurses ang nakauwi sa bansa mula noong nakaraang taon.
Nasa 257 returning nurses ay nakabase sa National Capital Region (NCR).
Karamihan sa mga nurses ay handang magtrabaho muna sa bansa.
Ang datos ay nagmula sa OFW Assistance Information System (OASIS) – ang database na ginagamit para tulungan ang mga repatriated Filipinos na mabigyan ng domestic employment.
Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), National Reintegration Center for OFWs (NRCO), at Bureau of Local Employment (DOLE) ay inatasang bumuo ng sistema para sa local job placement para sa repatriated nurses.