Apat na libong naka-pack na pagkain ang ipinadala ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno para sa mga turistang na-stranded sa Iloilo dahil sa pagsuspinde ng pagbiyahe sa ilang mga bangka.
Nabatid na aabot kasi sa libong mga pasahero ang naghihintay ng tatlo hanggang apat na oras para lang makakuha ng pwesto sa mga iilang bangka na bumabiyahe, kung saan dahil sa matagal na paghihintay ay marami sa kanila ay naubusan na ng pagkain.
Matatandaang sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang ilang biyahe sa rutang Iloilo-Guimaras matapos mamatay ang 31 katao lulan ng M/B Chi-Chi, M/B Keziah 2, at M/B Jenny Vince.
Facebook Comments