4,000 health workers ng PGH, tatlong buwan nang hindi nakatatanggap ng One COVID Allowance

87

Tatlong buwan nang hindi nakakatanggap ng kanilang One COVID Allowance (OCA) ang 4,000 health workers sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon sa All UP Workers Union-Manila/PGH, hindi pa sila nakatatanggap ng OCA mula pa noong Abril, May at June.

Anila, naipasa na ng PGH sa pamahalaan ang lahat ng requirements na hinihingi ng Department of Health.


Nanawagan din sila sa pamahalaan ng ibigay na sa lalong madaling panahon ang kanilang benepisyo.

Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan ito sa Budget Department upang mailabas na ang pinakabagong tranche ng benepisyo para sa health workers.

Facebook Comments