Saturday, November 28, 2026

Karapatan ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga kaalyadong bansa, muling iginiit ng AFP

Muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang karapatan ng Pilipinas sa malayang pakikipag-ugnayan at pakipagtulungan sa depensa at seguridad sa mga “like minded nations “ o bansang may parehong pananaw.

Ayon sa AFP, ang kagustuhan ng mga kaalyadong bansa na pumasok sa mga kasunduan ay nagpapakita lamang ng kanilang suporta sa lawful maritime rights, at sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.

Tiniyak din ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na patuloy nilang paiigtingin ang kanilang mga kakayahan at palalalimin ang ugnayan sa mga kaalyadong bansa para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Ang pahayag na ito ng AFP ay tila sagot sa pagpuna ng China sa defense agreement ng bansa sa Australia na una nang pinalagan ng Department of National Defense (DND) at sinabing walang karapatan ang China o moral na basehan para diktahan ang Pilipinas sa kung paano at kanino makikipagtulungan ang bansa para sa depensa at seguridad nito.

Facebook Comments