40,000 COVID-19 testing kits mula Singapore, dumating na sa bansa

Dumating sa bansa ang 40,000 COVID-19 testing kits na donasyon ng Singapore.

Sa facebook post ng Embahada ng Singapore sa Maynila, pinangunahan nina Singapore Ambassador Gerard Ho at Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant for Foreign Affairs Robert Borje ang turnover ng medical supplies sa NAIA.

Maliban sa testing kits, nag-donate din ang Singapore ng dalawang ventilator mula sa Temasek Foundation.


Layon nitong mapabilis ang pag-diagnos sa mga hinihinalang may kaso ng COVID-19.

Patuloy din anilang makikipagtulungan ang Singapore sa Pilipinas sa paglaban sa nakahahawang sakit.

Facebook Comments