40,000 mahihirap na pamilya, natulungan na ng Bayanihan 2 – DSWD

Umabot na sa higit 40,000 low-income families ang nakatanggap ng Emergency Subsidy Program sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakapamahagi na sila ng nasa ₱271 million na halaga ng emergency subsidies sa 40,919 na mahihirap na pamilya.

Kabilang sa mga nakatanggap ng emergency subsidy ay nasa 6,955 families mula sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown at 33,964 ‘additional beneficiaries’ o mga hindi nabigyan ng Social Amelioration Program (SAP) 1 at 2.


Nasa ₱38.5 million pesos na ang naipamahaging subsidy ng DSWD sa mga benepisyaryong nakatira sa granular lockdown habanbg nasa ₱232.5 million ang naipamahaging ayuda sa 33,964 additional beneficiaries.

Facebook Comments