400,000 food packs at 8,000 bottles of vitamins, ipamimigay ng Pasig City LGU

Image from Facebook/Vico Sotto

PASIG CITY – Mamimigay ng 400,000 food packs ang pamahalaang-lungsod para sa mga apektadong residente ng ipinatupad na enhanced community quarantine dahil sa paglobo ng positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

May laman na tatlong kilong bigas, dalawang latang corned beef, dalawang latang sardinas, dalawang meatloaf, at dalawang corned tuna ang mga ito, ayon kay Mayor Vico Sotto.

“Tulong po ito ng lokal na pamahalaan sa mga nangangailangan, lalo na’t maraming di nakakapagtrabaho ngayong #communityQuarantine.”


Bukod sa pagkain, mamamahagi rin ng 8,000 bottles of medicine ang lokal na pamahalaan na ipinadala ng Philusa Corporation.

“Magtulungan po tayo at sumunod sa quarantine para mas mabilis din nating malagpasan ito,” pahayag pa ng alkalde.

Makikipagtulungan ang LGU sa mga barangay sa distribusyon ng mga naturang relief goods.

Tiniyak ng alkalde na maihahatid ang mga nasabing food packs sa darating na Biyernes, Marso 20.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine ang panandaliang pagpapahinto sa mga transportasyon, at kanseladong pasok ng mga paaralan at opisina maliban sa mga parte ng skeletal work force at mga frontliner katulad ng nurse, doktor, sundalo, at pulis.

Facebook Comments