Natulungan ng pamahalaan na makauwi ang higit 400,000 Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng COVID-19 pandemic.
Sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), aabot na sa 410,211 OFWs ang dumating sa bansa mula nitong January 16.
Dumaan ang mga ito sa quarantine at na-clear na mula sa COVID-19.
Tinatayang nasa 60,000 hanggang 80,000 pang OFWs ang tinatayang ire-repatriate ngayong taon.
Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay pinalalawig ang one-time 10,000 o 200 cash aid sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong AKAP program sa mga OFWs.
Facebook Comments