400M PISO, IPAPASAKAMAY SA SUPER COOP!

*Cuayan City, Isabela* – Ipapasakamay sa Department of Agriculture Isabela sa pamamagitan ng Supper Coop ang halagang 400 milyong piso bilang ayuda sa mga magsasakang sinasabing apektado ng Rice Tariffication Law.

Ito ang kinumpirma ni Mr. Narciso Edillo, Regional Director ng DA Region 2 sa panayam ng 98.5 iFm Cauayan. Gagawin ang turning over ng nasabing halaga sa launching ng Rice Competitiveness Enhancement Program ngayong araw, October 12, 2019 sa Roxas Astrodome, Roxas, Isabela.

Ang pondo ay gagamitin sa pagbili ng palay ng mga marginalized farmers na kung saan ay magkakaroon ng limang pisong dagdag presyo. Paliwanag ni Director Edillo, ang mga magsasakang ito ay ang mga nagbubungkal ng isang ektarya pababa. Dagdag paliwanag pa niya na hanggang 80 cavans lang bawat magsasaka ang bibilhin para mas marami ang makinabang.


Ang 400 milyong piso ay ipapasakamay sa bubuuing Super Coop o ang Nagkakaisang Magsasaka ng Isabela. Pamumunuan ito ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela. Ayon pa sa director, bahagi ito ng alternatibong hakbang ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng mababang presyo ng palay na nararanasan ngayon ng mga magsasaka.

Ang launching ng Rice Competitiveness Enhancement Program ngayong araw ay personal na dadaluhan nina DA acting Secretary William Dar at Sen. Cynthia Villar, Committee Chair ng Agriculture and Foods. Sasaksihan nila ang paglipat ng 400 milyong piso mula sa Development Bank of the Philippines (DBP). Kasabay din ng launching ay ang turning over ng mga binhi at kagamitan sa pagsasaka.

Inaasahang aabot sa limang libong marginalized farmers ang makikinabang sa pondong ito.

Facebook Comments