41.4 MILYON, KABUUANG HALAGA NG AGRI-SUPPORT HANDOG PARA SA MGA MAGSASAKA NG ILOCOS NORTE

Nasa 41.4 na milyong ang kabuuang halaga ng agri support na natanggap ng mga magsasaka sa lalawigan ng Ilocos Norte mula sa Department of Agriculture.
Mga kagamitang pansaka ang ipinagkaloob sa mga magsasaka ng nasabing lalawigan tulad ng ay 18 set ng gardening tools, 36 bote ng botanical pesticides, 306 piraso 72-holed seedling trays, at 306 piraso 128-holed seedling trays.
Handog din ang isang hand tractor, dalawang incubator na may 50 nesting baskets,182 sets ng iba’t ibang buto ng gulay, anim na roll ng tunneling film, isang forage chopper at pitong rolyo ng tunneling film, at isang pump at engine set na naipamahagi sa iba’t-ibang organisasyon at asosasyon ng mga magsasaka.

May kabuuan ding 247 magsasaka ang nakatanggap ng fuel subsidies, 4,028 karagdagang recipients ang nakatanggap ng discount coupon para sa fertilizer, at 6,088 pang farmer beneficiaries ang nakatanggap ng financial assistance na PHP 5,000 bawat isa. |ifmnews
Facebook Comments