ALAMINOS CITY, KABILANG SA OUTSTANDING ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL SA BUONG REGION 1

Kasama ang lungsod ng Alaminos sa mga binigyan ng pagkilala bilang Outstanding Anti-Drug Abuse Council sa buong Region 1.
Kabilang ang lungsod sa dalawampu’t dalawang siyudad at bayan na nakapagtala ng 100 points o High Functionality Rating sa 2022 ADAC Performance Audit.
Ang pagkilalang ito ay isang patunay na matibay, epektibo at tuloy-tuloy ang pagtataguyod ng pamahalaang lungsod sa natatanging anti-illegal drugs program nito pati sa kanilang matatag na suporta sa anti-drug campaign ng national government.

Personal naman na tinanggap ng bise alkalde sa lungsod ng Alaminos ang pagkilala bilang kumakatawan sa alkalde ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments