41-Anyos, Huli sa Pagtutulak ng Droga!

*Santiago City- *Sa kulungan ang bagsak ng 41-anyos na lalaki matapos na mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng Police Station 2 ng Santiago City Police Office (SCPO) sa Galo St., Purok 3, Dubinan West ng nasabing lungsod.

Nakilala ang naarestong si Quirico Bondoc Llantada aka Renan, 41-anyos, may-asawa at residente ng P-2, Patul, Santiago City.

Pinangunahan ang naturang operasyon nina P/Maj. Reynaldo Balunsat, Station Commander ng PS2, P/Maj. Alexander Rodrigo ng SCPO kabilang ang mga personalidad ng PS1 ng Drugs Enforcement Unit na nagresulta sa matagumpay na pagkadakip ni Alyas Renan.


Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang plastic sachet ng pinaniwalaang shabu at limang daang piso bilang marked money na ginamit ng nagpanggap na poseur buyer ng pulisya.

Pansamatalang nasa kustodiya ng pulisya si alyas Renan habang inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments