41 Bagong Positibong Kaso, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng apatnapu’t isa (41) na bagong bilang ng positibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 15, 2021, mula sa 41 new COVID-19 cases, walo (8) rito ay naitala sa Lungsod ng Cauayan at San Agustin; lima (5) sa Santiago City; apat (4) sa bayan ng Gamu at Angadanan; tatlo (3) sa bayan ng Alicia; dalawa (2) sa Delfin Albano at Sta Maria; at tig-isa (1) sa bayan ng Reina Mercedes, San Mateo, Cabatuan, Roxas, Cordon.

Mayroon namang dalawampu’t isa (21) na gumaling sa sakit na nagdadala sa kabuuang bilang na nagdadala sa 4,335.


Bahagyang umakyat sa bilang na 456 ang aktibong kaso sa Isabela mula sa kabuuang bilang na 4,881.

Nakapagtala naman ang Isabela ng 92 na COVID-19 related death.

Mula sa bilang ng naitalang aktibong kaso, ang 410 ay Local Transmission; labing dalawa (12) na pulis; dalawampu’t tatlo (23) health workers at labing isa (11) na Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments