Nasa 2, 759 na barangay na sa Ilocos Region ang mayroong drug-cleared status matapos itong madagdagan ng 41 barangays.
Base ito sa isinagawang deliberasyon ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC).
Mayroon umanong 41 barangay na aplikante sa naturang status.
Inaprubahan ng komite ang drug cleared status ng mga ito kabilang na ang Balungao, Pangasinan at Dingras, Ilocos Norte.
Sa isinagawang balidasyon, mula sa 474 barangay 471 dito ang Drug-Free at napanatili ang Drug Cleared Status.
Mayroon namang tatlong barangay ang subject para sa Re-Validation dahil sa presensya ng drug personalities.
Sa datos ng PNP PDEA, mayroong 508 na barangay ang kinakailangan pang linisin.
Dahil dito, inatasan ni PBGEN JOHN C CHUA, PRO 1 Regional Director, ang mga Chief of Police na magsagawa ng clearing sa natitirang barangay sa pamamagitan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council. |ifmnews
Facebook Comments